Alinsunod po sa isinasaad sa ARTIKULO 304, Implementing Rules and Regulations, RA 7160, ang Tanggapan ng Tagatayang Pambayan o Assessor’s Office sa pamamagitan ng mga kinatawan nito sa programang ‘Tax Mapping’ ay maaring ipatawag ang
mga may ari ng lupa na nagsagawa ng pagbabago sa gamit ng lupa sa pamamagitan ng kanilang pagtatayo ng buwisang bahay o gusali/ istraktura dito. Nasasaad din pos a ART. 203, RA 7160 na tungkulin natin bilang mamamayan na mag sumite ng Sworn Statement na nagdedeklara ng tamang halaga ng mga ari-arian nating nakuha o nabili at tamang halaga ng nagastos sa pagpapagawa ng kalinangan o improvement sa lupa sa tanggapan ng Tagatayang Pambayan sa nilolooban ng anim napung (60) araw.
Kung kaya’t dahil dito, ang Tax Mapping Team ng Pamahalaang Bayan ay magsasagawa ng Inspection o pagbisita sa sa inyong mga barangay sa mga sumusunod na talatakdaan;
1.Barangay Pinagkamaligan - August 02 to August 26
2.Barangay San-Isidro - September 01 to Sept. 23
3.Barangay Kay-Buto - October 04 to October 28
4.Barangay Tabing Ilog - November 03 to November 15
5.Barangay Mag-Ampon - November 16 to November 29
6.Barangay Kat-Bayani - December 06 to December 28
Para sa inyong kabatiran at kaukulang hakbangin. Kung may katanungan o paglilinaw, tumawag sa 942-7174 local 202 at hanapin si G. Willie B. Marindo ng assessor’s office. Maraming Salamat po.