Sa lahat po ng nagnanais magbayad ng amilyar o real property tax at kayo po ay nasa ibang probinsya o lugar sundin lamang po ang sumusunod na mga hakbang:
1. Tumawag sa opisina ng ating ingat yaman ng pamahalaang bayan ng tanay sa numerong (02) 8655-1773 local 215/216/218/219, smart 09123870821 globe 09176284415 para sa inyong rptassessment.
2. Siguraduhin na alam po ninyo ang bago at updated ninyong tax declaration number para mabilis po ang inyong assessment.
3. Pagkakuha ng inyong real property tax assessment, magtungo lamang sa pinakamalapit na landbank branches para ideposito ang inyong bayad sa amilyar.
4. Ang mga detalye po ng pagbabayad ay ibibigay sa inyo ng ating land tax collector.
5. Matapos po na maideposito ang inyong bayad, ipapadala po ang inyong validated deposit slip sa aming email address mto_This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. or
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
6. Oras po na matanggap namin ang inyong validated deposit slip (vds), agad po itong reresibuhan upang maipost po ang inyong bayad sa amilyar. Ang original official receipt po ninyo ay ipapadala namin sa pamamagitan ng snail mail/ registered mail
Sa Sa iba pang katanungan maaari po kayong tumawag sa ating municipal treasurer’s office sa nabanggit na mga numero.