Ngayong Marso 1, 2023, nagsagawa ng Athlete's Cash Assistance Pay-out sa Pamahalaang Bayan ng Tanay sa pamamagitan ng mga inisyatibo nina Mayor Lito Tanjuatco at Vice Mayor Rex Manuel Tanjuatco at ng Sangguniang Bayan. Ito ay bilang tulong sa mga Atletang magrerepresenta sa ating bayan sa Palarong Panlalawigan 2023.
Ang mga benepisyaryo ay ang mga elementary at secondary athletes ng Tanay kasama ang kanilang mga coaches. Nasa 400 na mga Atleta ang nakatanggap ng cash assistance upang matulungan sa kanilang paghahanda sa darating na kompetisyon. Ang Athlete's Cash Assistance ay hindi lamang isang tulong-pinansiyal, kundi isang pagkilala sa husay at galing ng mga Atletang ito at sa kanilang mahalagang papel sa pagpapalakas ng sports development ng Tanay. Ito ay isa ring patunay na ang lokal na pamahalaan ay handang maglaan ng mga resources upang mabigyan ng karampatang suporta ang mga mamamayan nito sa kanilang mga pangangailangan. Makatutulong ito upang magkaroon ng karagdagang kumpiyansa ang ating mga Atleta na magdadala ng karangalan sa ating bayan. Saludo tayo sa mga lider ng ating bayan sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga atleta at sa kanilang pagpapalakas ng sports development ng Tanay.