Negatibo na sa COVID-19 si TANAY PH-1 pagkatapos ng tatlong Covid-19 tests nitong mga nagdaang linggo. Bilang isang dialysis patient, patuloy pa rin siyang nagpapalakas sa isang ospital sa labas ng ating bayan.  

Nauna na na ring nag-negatibo ang pamilya ni TANAY PH-1 matapos sumailalim sa swab tests bilang  pagsunod na rin sa contact tracing protocols at paniniguro na walang ibang nahawahan ang naturang Covid patient.

Salamat sa  ating mga health workers mula RHU Tanay at DOH na nagtulong-tulong para i-monitor ang lagay ng ating pasyente pati na rin ang kanyang pamilya.