😷 Ito po ang estado ng pagdami ng Covid19 cases sa Tanay simula ng magECQ simula March 16 until mag-MGCQ Sept. 29, 2020. Sa graph, nakatala ito ng weekly o lingguhan.
😷 Mapapansin na sa graph ay simula ng mg GCQ noong Mayo ay nagsimula ng tumaas ang kaso sa ating bayan, dahil marami ng lumalabas para mgtrabaho o gumawa ng essential na aktibidad.
😷 Naiintindihan po ng gobyerno na kailangan natin mgtrabaho para sa kabuhyan ng ating pamilya.
😷 Dahil kailangan na pong buksan UNTI-UNTI ang ekonomiya ng bansa at ng ating bayan para mabalanse ang pangkabuhayan ng mga Pilipino at isyung pangkalusugan.
😷 Kailangan din natin PALAGI ALALAHANIN na HINDI pa mawawala ang virus, hangga't walang bakuna na available.
😷 Hinihiling po ng lokal na gobyerno sa sa pamumuno ni Mayor Rex Manuel Tanjuatco ang INYONG KOOPERASYON AT DISIPLINA para makatawid tayo sa pandemyang ito na hindi marami ang mgkakasakit at mamamatay directly or indirectly dahil sa Covid19.
😷Kapag nakikita ng pamahalaang bayan na pataas ang kaso dito sa Tanay, maaari tayong BUMALIK sa MECQ.
😷 Baguhin po natin ang kaisipan na parang normal ang lahat. HINDI NA PO TAYO MAKAKABALIK sa dating normal na gawain.
😷 ANO ANG DAPAT GAWIN?... Isipin nio na ang virus ay pwedeng dala ng kasama nio s bahay, kasama sa sasakyan, nakakasalubong sa kalsada, palengke o grocery, banko, etc. O kung kayo ang lumalabas ng bahay para mghanap-buhay o bumili ng pangangailangan, isipin nio na baka kayo ang makakuha mismo ng virus at iuwi sa bahay ninyo.
😷 Protektahan ninyo ang inyong sarili, pamilya at barangay: 💞palaging magsuot ng facemask, 💞faceshield,
💞maghugas ng kamay at 💞lumayo sa kausap ng 1 dipa o higit sa 1metro.
😷 Nakikusap rin po kami na kapag nakaramdam ng sintomas ng lagnat, ubo, nawalan ng pang-amoy, panlasa, bglaang nahihirapang humnga, ipagbigay alam sa BHERT ng inyong barangay;
😷 Kapag naman Nswab test ay ipagbigay alam sa BHERT upang kayo ay mamonitor with confidentiality. Kapag Itinago ninyo na kayo Suspect kaya nswab or (+) sa Covid19, maari kayong kasuhan under Republic Act 11332 (About Notifiable Diseases Reporting and Surveillance).
😷Dahil kapag itinago ninyo ang impormasyon, ibig sabihin wala kayong pakialam kung kumalat ang sakit sa inyong komunidad. Wag magmarunong. Lahat ng impormasyon ay ittrato ng PATAS at may CONFIDENTIALITY.
😷 Tutulungan namin kayo na hindi maging biktima ng diskrimimasyon.
🙏🏻💞⚘ Salamat po. - MHO😊