MENU
  • Static-MunicipalHall
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagpaparehistro ng
A.1 Frontline Health workers (na hindi pa nagpapabakuna)
A.2 Senior Citizens and
A.3. May Co-Morbidities edad 18-59y/o mula March 30 until April 16.
 

Narito na po ang schedule ng pagbabakuna para sa ating mga A.1 at A.3 priority groups habang inaantay pa natin ang angkop na bakuna para sa ating mga A.2 (Senior Citizens).

Sa ngayon, ang available na vaccine ay Sinovac. Ito ay maari lamang ibigay sa edad 18-59 y/o under ng A.1 and A.3 Priority Groups.

Schedule of Vaccination para sa A.1 at A.3
April 12, 13 and 16, 2021
8:00AM-5:00PM,
RPHS-Tanay Annex Hospital

Mga Dapat Tandaan:

-Pinaaalalahanan ang lahat na bawal ang walk-in sa pagpapabakuna. Tanging ang mga nag pa-rehistro lang sa online at sa Barangay/RHUs ang papapasukin.

-Magdala ng atleast 1 valid ID
-Reseta ng maintenance na gamot.
-Medical clearance para sa mga may Cancer, Autoimmune diseases, Immunodeficiency Diseases)

 
💪Para sa walang cellphone o signal, maaaring mgparehistro sa Barangay Health Stations ng kani-kanilang barangay o Rural Health Units ng Tanay.
 
 

Frontline Health Workers

Priority A.1 Frontline health workers na taga-Tanay na hindi pa nag pa-rehistro at hindi pa nababakunahan ay maaring makipagunayan sa Barangay Heath Station o sa Rural Health Unit ng munisipyo.
 

Senior Citizen

Open na po ang registration link para sa ating mga Senior Citizen para sa bakuna kontra COVID-19, mula March 30, 2021 hanggang April 9, 2021

Para sa mga mga senior citizen na merong comorbidity:

(Heart Disease, Any Cancer, Immunocompromised Host, Autoimmune Disease, Organ-donor recipient, Blood Disorder) kailangan kumuha ng medical clearance mula sa inyong doktor.

  • Para sa mga walang internet access, pwedeng magpalista sa inyong Barangay Health Center, mula Mon. to Fri. 8am hanggang 5pm.
 

(Co-Morbidities)

Bakuna para sa ating mga mamamayang may karamdaman (Co-Morbidities) kontra COVID-19
Open na po ang registration para sa anti-covid-19 vaccine para sa ating mga mamamayang (18 taong gulang hanggang 59 taong gulang ) na merong karamdaman katulad ng: Heart Disease, Hypertension, Diabetes Mellitus, Obese, Chronic Kidney Disease, Asthma, PTB or COPD. Yung mga may Cancer, Immunodeficiency Diseases, Autoimmune Disease, Kailangan ng Medical clearance mula sa doktor
  •  Mag register online https://forms.gle/jhojK2SzXrPgjKLr9 o pumunta sa sa pinakamalapit na Barangay Health Stations or Rural Health Units mula April 5, 2021 hanggang April 16, 2021.
  •  Magdala ng ID na may picture at address isama rin ang reseta ng mga gamot na inyong iniinom.
 
 

 

 

News

Paalala:Tanay COVID-19 Hotline

Kapag nagkaroon ng sintomas ng COVID-19 ay bumukod at wag na makihalubilo sa pamilya o mga kaibigan at magreport agad sa COVID-19 Hotline, ang report ay ituturing na confidential.
Rural Health Unit Tanay / COVID-19 Hotline
0949-358-2527
Private Message:
https://www.facebook.com/MHOTanay

Resbakuna para sa ating mga Mamamayan

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagpaparehistro ng
A.1 Frontline Health workers (na hindi pa nagpapabakuna)
A.2 Senior Citizens and
A.3. May Co-Morbidities edad 18-59y/o mula March 30 until April 16.
Read more ...

Libreng Kasalang Bayan 2021

Dahil nalalapit na ang buwan ng Feb-ibig tuloy ang programa ng ating Pamahalaang Bayan ang "Libreng Kasalang Bayan 2021"
Magtungo lamang po sa Tanggapan ng Civil Registrar para sa iba pang detalye. (20 pairs every friday)