Muli po nating binubuksan ang pagpaparehistro para sa bakuna kontra COVID-19. Ito po ay para sa mga sumusunod: 🧑‍⚕️Frontline Health Workers; 👵🏻Senior Citizens; 💊Mga taong may co-morbidities (highblood, sakit sa puso, kidney, diabetes, asthma, immunodeficiency, cancer, obesity, atpb) edad 18-59 years old 👨🏻‍🔧Public and Private Workers including Household Service Workers (Kasambahay) 👨🏼‍🌾Informal Sectors (kagaya ng market/sidewalk vendors, construction workers, farmers, fisherfolks, transport groups, etc) Sa mga interesdong magpabakuna, maaaring magparehistro online sa sumusunod na link:
 
Sa mga interesdong magpabakuna, maaaring magparehistro online sa sumusunod na link: https://forms.gle/1K52iCUgsHe4tkzD8
Para sa walang cellphone o signal, maaaring mgparehistro sa Barangay Health Stations ng kani-kanilang barangay o Rural Health Units ng Tanay. Importante po na ilagay ang active cellphone number ninyo o ng inyong kasama sa bahay. Kayo po ay ite-text para sa inyong schedule ng vaccination kapag mayroon na pong available na bakuna sa ating bayan.
Maraming salamat!
 


Mga Dapat Tandaan:

-Pinaaalalahanan ang lahat na bawal ang walk-in sa pagpapabakuna. Tanging ang mga nag pa-rehistro lang sa online at sa Barangay/RHUs ang papapasukin.

-Magdala ng atleast 1 valid ID
-Reseta ng maintenance na gamot.
-Medical clearance para sa mga may Cancer, Autoimmune diseases, Immunodeficiency Diseases)
 
💪Para sa walang cellphone o signal, maaaring mgparehistro sa Barangay Health Stations ng kani-kanilang barangay o Rural Health Units ng Tanay.
 
 

Frontline Health Workers

Priority A.1 Frontline health workers na taga-Tanay na hindi pa nag pa-rehistro at hindi pa nababakunahan ay maaring makipagunayan sa Barangay Heath Station o sa Rural Health Unit ng munisipyo.
 

Senior Citizen

Para sa mga mga senior citizen na merong comorbidity:

(Heart Disease, Any Cancer, Immunocompromised Host, Autoimmune Disease, Organ-donor recipient, Blood Disorder) kailangan kumuha ng medical clearance mula sa inyong doktor.

  • i-click lang ang link  para sa ating online registration.
  • Para sa mga walang internet access, pwedeng magpalista sa inyong Barangay Health Center, mula Mon. to Fri. 8am hanggang 5pm.
 

(Co-Morbidities)

Bakuna para sa ating mga mamamayang may karamdaman (Co-Morbidities) kontra COVID-19
Open na po ang registration para sa anti-covid-19 vaccine para sa ating mga mamamayang (18 taong gulang hanggang 59 taong gulang ) na merong karamdaman katulad ng: Heart Disease, Hypertension, Diabetes Mellitus, Obese, Chronic Kidney Disease, Asthma, PTB or COPD. Yung mga may Cancer, Immunodeficiency Diseases, Autoimmune Disease, Kailangan ng Medical clearance mula sa doktor
  •  Mag register online  o pumunta sa sa pinakamalapit na Barangay Health Stations or Rural Health Units1
  •  Magdala ng ID na may picture at address isama rin ang reseta ng mga gamot na inyong iniinom.