MENU
  • Static-MunicipalHall

Sa panahon ng community quarantine mahalaga ang komunikasyon sa ating mga kababayan, kaya naman ssa pakikipagtulungan ng LGU Tanay at Smart Communications ay inilunsad kamakailan ang SMS Broadcast System na gagamitin ng Munisipyo ng Tanay, na kauna-unahan sa lalawigan ng Rizal.

Merong kakayahang mag SMS broadcast ang system na ito at bukod dito meron din itong feedback at quickpoll solution sa mga subscriber nito. Kaya nitong mag SMS broadcast at makapagpadala ng mensahe o anunsyo sa mga preferred subscriber nito ng libre.

Sa ngayon ginagamit na muna ang SMS Broadcast facility ng munisipyo ng Tanay sa roll-out ng Resbakuna para sa ating mga mamamayan at sa unang SMS Broadcast nito sa vaccination sa Brgy. Sampaloc, naging maayos ang pila at naging sistematiko ang pagbabakuna sa ating mga kababayan.

Asahan po ninyo ang mga programang ibaba ng ating munisipyo gamit ang SMS broacast facility sa mga darating na araw, at inaasahan din ng pamahalaang bayan na magsubscribe sa ating SMS broadcast facility ang ating mga mamamayan, abangan nyo lang ang buong detalye na ilalabas ng Pamahalaang Bayan ng Tanay, kung paano mag subscribe sa ating SMS Broadcast Facility. Suportahan natin ito para sa moderno at tuloy-tuloy na pag-unlad ng ating bayan ng Tanay.

News

SMS Broadcast System nilunsad ng LGU Tanay, Una sa Lalawigan ng Rizal

Sa panahon ng community quarantine mahalaga ang komunikasyon sa ating mga kababayan, kaya naman ssa pakikipagtulungan ng LGU Tanay at Smart Communications ay inilunsad kamakailan ang SMS Broadcast System na gagamitin ng Munisipyo ng Tanay, na kauna-unahan sa lalawigan ng Rizal.

Read more ...

Paalala:Tanay COVID-19 Hotline

Kapag nagkaroon ng sintomas ng COVID-19 ay bumukod at wag na makihalubilo sa pamilya o mga kaibigan at magreport agad sa COVID-19 Hotline, ang report ay ituturing na confidential.
Rural Health Unit Tanay / COVID-19 Hotline
0949-358-2527
Private Message:
https://www.facebook.com/MHOTanay

Resbakuna para sa ating mga Mamamayan

 
 
Muli po nating binubuksan ang pagpaparehistro para sa bakuna kontra COVID-19. Ito po ay para sa mga sumusunod: 🧑‍⚕️Frontline Health Workers; 👵🏻Senior Citizens; 💊Mga taong may co-morbidities (highblood, sakit sa puso, kidney, diabetes, asthma, immunodeficiency, cancer, obesity, atpb) edad 18-59 years old 👨🏻‍🔧Public and Private Workers including Household Service Workers (Kasambahay) 👨🏼‍🌾Informal Sectors (kagaya ng market/sidewalk vendors, construction workers, farmers, fisherfolks, transport groups, etc) Sa mga interesdong magpabakuna, maaaring magparehistro online sa sumusunod na link:
 
Sa mga interesdong magpabakuna, maaaring magparehistro online sa sumusunod na link:  https://forms.gle/63Q3JhtdVo8cAC7bA
Para sa walang cellphone o signal, maaaring mgparehistro sa Barangay Health Stations ng kani-kanilang barangay o Rural Health Units ng Tanay. Importante po na ilagay ang active cellphone number ninyo o ng inyong kasama sa bahay. Kayo po ay ite-text para sa inyong schedule ng vaccination kapag mayroon na pong available na bakuna sa ating bayan.
Maraming salamat!