Sa panahon ng community quarantine mahalaga ang komunikasyon sa ating mga kababayan, kaya naman ssa pakikipagtulungan ng LGU Tanay at Smart Communications ay inilunsad kamakailan ang SMS Broadcast System na gagamitin ng Munisipyo ng Tanay, na kauna-unahan sa lalawigan ng Rizal.

Merong kakayahang mag SMS broadcast ang system na ito at bukod dito meron din itong feedback at quickpoll solution sa mga subscriber nito. Kaya nitong mag SMS broadcast at makapagpadala ng mensahe o anunsyo sa mga preferred subscriber nito ng libre.

Sa ngayon ginagamit na muna ang SMS Broadcast facility ng munisipyo ng Tanay sa roll-out ng Resbakuna para sa ating mga mamamayan at sa unang SMS Broadcast nito sa vaccination sa Brgy. Sampaloc, naging maayos ang pila at naging sistematiko ang pagbabakuna sa ating mga kababayan.

Asahan po ninyo ang mga programang ibaba ng ating munisipyo gamit ang SMS broacast facility sa mga darating na araw, at inaasahan din ng pamahalaang bayan na magsubscribe sa ating SMS broadcast facility ang ating mga mamamayan, abangan nyo lang ang buong detalye na ilalabas ng Pamahalaang Bayan ng Tanay, kung paano mag subscribe sa ating SMS Broadcast Facility. Suportahan natin ito para sa moderno at tuloy-tuloy na pag-unlad ng ating bayan ng Tanay.